Monday, December 10, 2007

So honey, let me do the dishes in our kitchen sink…


Si G ang una at huling lalaking minahal at mamahalin ko…yun ang totoo – peksman, cross my heart and hope to die (of old age). He is my “perfect guy”.

O, walang magta-taas ng kilay! Bakit? Imposible bang makahanap ng iyong “perfect guy”? Hindi ah. Ganito yan, mare…depende yan sa kung ano ba ang “perfect” para sa iyo. Para sa akin si G, siya yung aking “perfect guy”.

Ang totoo niyan, di ko naman alam na siya pala ang makakatuluyan ko. Inis nga ako diyan kasi araw-araw ba naman ako binibigyan ng substitution. Pero, in fairness naman, noon ko pa napansin na siya lang ang bukod tanging lalaki na kayang mag-carry ng white hair at beard. Pogi siya…may balbas o wala, kahit na manipis ang hair niya at naa-aninaw mo na ang kanyang anit. Mwehehehe I love you, Be!

To make the long story short, di siya natuloy sa pagb-brother. Oo mare, magb-brother siya dapat pero di natuloy at di yun dahil sa akin ha! O, ibaba ang kilay ulit. Nanligaw siya a day after niya magbitiw at yun, the rest, they say is “history”.

Ang perfect guy ko e may “imperfect” moments din. Nakakainis din naman siya minsan, pero di naman lagi. Kung tutuusin, 2 lang bagay ang kinaiinisan ko sa kanya: 1) mabagal siyang kumilos (lalo na sa umaga) 2) lagi siyang late. Mwehehehehe I love you, Bebe ulit!

Pero kung may lalaking nagbigay sa akin ng sobra-sobrang pasensiya at pagmamahal…siya na yun. Siya yung nag-iisa. At kung may parallel universe tayo na ala – “The Golden Compass”, I know I will still end up with G. I cannot imagine life without this guy.

Sweetheart, I love you very, very much – to the moon and back.

No comments:

Post a Comment