Tuesday, December 11, 2007

We, Three Queens...

Ang sabi, pag ang lalaki daw pilyo nung binata pa...ang nagiging mga anak e babae, to remind them of their "kapilyuhan". Ang tatay ko siguro puro kalokohan nung binata pa, kaya hayan...puro kami girls. mwehehehe

Ang Ate ko, siya ang pinakamalusog nung baby pa kami at magpa-hanggang ngayon. Pero nun ka, pamatay ang kinis ng balat niyan, as in flawless! Namana niya kay Lola. Pag nakita mo sila ni Dad na magkasama, di mapagkakaila na mag-tatay sila. Sabi ni Mommy, nung pinaglilihi niya si Ate, nasa kanto pa lang si Dad, nagsusuka na siya. Nasusuka sa amoy ng tatay ko. mwehehehe

Facts about my Ate:

1. 99+ ang average nya sa NCEE (nung uso pa yun)

2. double licensed yan - ECE (Mapua) at Education (DLSU)

3. magaling siya magluto (her lasagna is to die for)

4. maganda ang boses niya (parang si Tiny ng pugadbaboy..mwehehehe lab u ate!)

5. siya ang Martha Stewart ng family...pag-memekaniko at pagka-karpintero na lang ang di pa niya nama-master

6. Year of the Dragon siya pinanganak tulad ni Lolo Pogi (tatay ni Dad)

7. Ang pangalan niya ay naisip ni Mommy noon pang teenager pa siya. Hinango ata sa words na "penny lane" at "jaywalking" yung name niya e. mwehehehe


Si Bunso, ang aking "Banotnot". Siya ang baby ng family at super duper cute siya, mula noon hanggang ngayon. Bata pa lang siya, feisty na siya. Maabilidad at napaka-self reliant. Kumakain na mag-isa ng mga 2 or 3 years old pa lang siya kasi ayaw magpa-subo ng food. Maliit pa lang siya, alam na niyang "wala siyang pasiyensiya" at gusto lang niya na "mayabang" siya. mwehehehehe Sa kanilang dalawa ni Ate, siya ang madalas na mapag-kamalang ako. Opo, pati mga estudyante ko, nalito. mwehehehe Pero ayaw niyang aminin na kamukha ko siya kasi mas maganda raw siya sa akin (maldits! mwehehehe)


Fast Facts about Bunso:

1. Pinaka-popular sa magkakapatid nung nag-aaral pa kami. Wala pa yang talo pag tumakbo sa Student Council.

2. Sa buong college years niya, twice lang siya naka-miss ng pagka-dean's lister. (yun ay nung na-in-love siya)Pero naka-graduate naman na kasama sa dean's list pa rin.

3. Siya ang may pinakamadaming lugar na napuntahan sa amin. Mapa-local at international, siya talaga ang medyo nakaka-libot. May nunal sa magkabilang talampakan ata itong kapatid ko e. mwehehehe

4. Siya ang may pinakamalaking suweldo sa amin. I'm not kidding.

5. Galit siya sa pera...pero overly generous sa mga taong mahal niya. Siyempre, kasama ako dun sa inuulanan niya ng blessings.

6. Musically gifted yan. Maganda ang boses at marunong siyang mag-gitara at mag-piano. Nung high school siya, naging lead guitarist pa yan ng kanilang all-girls na band.

7. Year of the monkey siya...that explains kung bakit siya mabalbon. mwehehehehe (i lab u, banotnot)

Siguro, kung may super duper close na magkakapatid, kami na yun. Lagi kaming magkakasama noon at hanggang ngayon kahit busy lahat sa trabaho. Love na love ko itong mga kapatid kong ito. Patay ang ka-kawawa sa kanila kasi di lang okray ang makukuha sa akin (mabubuhay si Gabriela Silang). Natutuwa ako kasi, alam ko na kahit na anong mangyari, we will always love each other and watch each other's back. That's what sisters are for, di ba? Sila ang aking mga buhay na guardian angels.


No comments:

Post a Comment