Sunday, December 9, 2007

When I was small and Christmas trees were tall…

Malamig na ang simoy ng hangin, ramdam mo na talaga na ang pasko ay andiyan na sa tabi-tabi (In English - "Christmas is just around the corner"). Nakakasabik. Sana mabuo naming ulit ang simbang-gabi. Siyempre pa, may puto bumbong na naman at makukulit na nagca-caroling. Haay.

Unang Christmas namin ni G sa aming munting apartment. Two years din kami sa Mama at Papa niya tumira. We only moved out nung February 18 kasi it’s really about time. Nakaka-excite actually. Pray ko lang na hindi ako sa ospital mag-pasko.

Nag-usap na kami ni G, we agreed na pag Christmas, sa kanila kami at sa New Year, sa amin naman (birthday ni Mommy kasi). Pero lahat ng eve (Christmas at New Year’s eve) dito kami sa aming munting tahanan.

Ngayon pa lang, nag-iisip na ako ng aking iluluto. Sana lang talaga makaluto ako kasi magpapa-opera muna ako, di ba? Ganado pa naman akong i-try itong mga recipes na nakuha ko sa mga magazines at free booklets na pinamimigay sa supermarket. What was my basis for picking which food to cook? Basta dapat yung masarap pero di magastos kasi nga, on-leave ang lola niyo. Ito yung sana ay mailuto ko at ma-contribute ko sa aming Christmas and New Year pot luck.

Christmas:
Warm Bacon Potato Salad without Mayonnaise
Beef Pot Pie Lasagne
Mocha Magnifico

Lahat ng recipes ay nanggaling sa “Recipes for Entertaining Food Magazine Cookbook” ni Chef Bambi Sy Gobio except yung Mocha Magnifico. Yun, galing sa free booklet ng Nestle All Purpose Cream na ang title ay “Icebox Treats.”

For New Year naman:
1. Dauphine potatoes or Garlic Mashed Potatoes
2. Roast Baby Back Ribs with Fruit Sauce
3. Mango ala mode

Lahat ng recipes naman para sa New Year ay nanggaling sa magazine na ‘Flavors – a Taste of Fine Living”, volume 2 no.17.

Pictures palang sa magazine, nakakagutom na. Sana magaya ko at para ma-picture-an. I’ll feature them in this blog if I get to cook any of them (operation po kasi).
Nakakagutom naman. Ang sarap talaga pag Pasko at bagong taon. Sama-sama lahat...
P.S. Alam niyo bang itong Christmas tree na ito (opposite side) ay kasing-tanda ko? Yup, 29 years old na yan at maganda pa rin. Siya yung Christmas tree sa likod namin (1st photo). Pamana sa akin ni Mommy. Salamat sa maagang pamasko, Mom. Loveyah! mwah!

No comments:

Post a Comment